You are here:

LOLO’T LOLA BINABALA SA VAT

Tweet me!

Source: http://www.abante.com.ph/issue/jun0110/news01.htm

Kinastigo ni Sen. Pia Cayetano ang National Economic Development Authority (NEDA) matapos nitong sisihin ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 (ESCA) sa pagbaba umano ng koleksyon ng buwis ng gobyerno at para itulak ang mga bagong tax measures, kabilang ang pagtataas ng Value Added Tax (VAT) mula 12% tungong 15%.


“Tantanan na sana ng NEDA ang ating mga lolo’t lola bilang ‘escape goat’ para sa mga pagkukulang ng ating revenue collection agencies”, ani Cayetano, principal sponsor ng Republic Act 9994 na nag-exempt sa mga senior citizens mula sa 12% VAT.


Umalma si Cayetano sa pahayag ni NEDA Director for Policy and Planning Dennis Arroyo nang sabihin nito na ang anumang benepisyo mula sa 12% VAT ay napawi na raw umano ng mga naipasang ‘tax relief measures’ gaya ng E SCA at exemption ng minimum wage earners mula sa income tax.


“Tinatapos pa lang ang IRR (Internal Rules and Regulations) ng ESCA kaya ni isang kusing ay wala pang nababawas sa VAT collections ng gobyerno para mabiyayaaan ang ating senior citizens,” paliwa­nag ng senadora.


Naging batas ang RA 9994 noong Pebrero 16, 2010 ngunit ganap lamang itong maipatutupad kapag naipasa at nai-publish na ang IRR nito sa susunod na buwan.


“Pero ang sadyang mas nakababahala at ‘di katanggap-tanggap ay ang paggamit ng NEDA sa ating senior citizens para ipagtulakan ang pagtataas ng VAT rate mula 12% tu ngong 15%,” babala pa ni Cayetano.


Imbes na pagdiskita han ang mga senior citizens at minimum wage earners, dapat na lamang umanong atupagin ng gobyerno ang pagpapabuti ng tax collection nito.


Gayunpaman, tila wala ring dapat ikabahala ang sambayanan sa panukalang taas VAT ng NEDA dahil malabong kagatin ng susunod na administrasyon ang panukalang 15% VAT.


Ito’y dahil hindi lamang si president–apparent Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang tumututol dito kundi maging si Makati City Ma yor at isa sa mabigat na contender sa vice presidential race Jejomar Binay.


Si Binay ang nangu nguna sa unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec) at PPCRVP gayundin sa mga exit polls.


Sinegundahan ni Binay ang pagtutol ni Aquino sa panukala dahil sa paniniwalang hindi ito makaka tulong sa mamamayang Filipino partikular sa mahi hirap kundi ito’y magiging pabigat lamang.


Iginiit ni Binay na sobra-sobra na ang pasakit ng VAT sa taumbayan at nararapat lamang na huwag na itong dagdagan pa.


Kung matatandaan, ang VAT ay isa sa mga isyung kinokondena ni Binay sa kanyang pangangampanya.

MyDailyRace.com

mydailyracethumbs

Pinayinaction.com

pinayinaction

Gabrielsymphony.com

gabrielthumb

Pia-bikeforhope.com

bikeforhope

Bestforbabies

bestforbabies